Posted By
 flpblackforest
Posts: 179
Posted On 2/11/2007 10:04:59 PM | Here is my very annoying experience in Gateway Cubao last Feb. 10, 2007 almost 6PM
I was in Figaro, Gateway Cubao with my new friend discussing about a proposal for a program that will be needed by a certain firm. We had a nice coffe there and we really appreciate the place and accommodation of Figaro (Di ako nag-plug ha... hehe) dahil na-close namin ung deal.
After our meeting, we go separate ways and I decided to look for a restroom to take a pee. As I walk dun sa 3rd level, I saw a lot of signs where the restrooms are located. When I finally found it, it took me almost 50 seconds inside then decided to go out. The restroom is nice and kinda american style and I appreciated it. As I reach the door, one of their utilities ask me fo a ticket. "Ha? anong ticket?" I replied... tapos may hawak syang mga ticket at sabi nya may bayad daw yung pagpasok mo sa restroom. What the hell!? I didn't see any signs na you need to pay before you enter and take a leak. As I talk to the utility guy telling him "Wala namang nakasulat na kailangan magbayad para umihi dito ah?", I was so embarassed dahil ang daming taong nakatingin sa akin. You can see them confused na sila rin ay pumasok dun at di alam na may bayad pala. Tapos lumabas kami at itinuro nya sa akin kung saan ako magbabayad. Nagkibit balikat nalang ako at lumapit dun sa itinuro nyang booth around 10 meters ang layo dun sa door. Lalo ako napahiya dahil sumigaw ung lalaki. Tinawag nya ung babae na nasa booth at sinabi "Singilin mo" sabay turo sa akin.
Grabe, sa sobrang inis ko lumapit ako dun sa booth at tinignan ko kung may naka-sulat ba na "Please pay here". Sus! eh wala ka namang makikita dun na ibang nakasulat kundi "PAY LOUNGE". Sana ang sinulat nila eh "Pay Toilet" ng sa ganun eh madaling maintindihan. Anong malay ko sa pay lounge? Simpleng tao lang naman ako na walang alam sa palikuran kundi tawagin itong C.R. (Comfort Room) at Rest Room. Ang dami kayang LOUNGE?
Tinanong ko ung babae, "Bakit walang nakasulat dito na mag-babayad bago gumamit ng restroom?" Ang sagot sa akin, "Ayaw po nung management palagyan ng sign". Sus! eh di ang dami na palang nagbayad dun ng walang kaalam-alam. At isa na ako dun. Sa halagang Php 10.00 natapos ang usapan namin at binigyan ako ng ticket.
Paano kung 100 lalake ang umihi dun sa loob ng isang oras dahil sa daming tao na nanggagaling sa LRT at sa mga namamasyal? Eh di halos isang libo ang kinita nung restroom na yun sa isang oras? at sampung libo sa sampung oras? Grabe naman kayo!
Kaya kung sino man ang makabasa nito, paki-sabi sa mga friends or relatives nyo na ang "PAY LOUNGE" pala ay restroom na may bayad (According to Gateway Management sabi nung nagbabantay). Sana di mangyari sa kanila yung kahihiyan na nangyari sa akin. Sa management ng Gateway, di ako galit sa inyo. Kaya lang ayusin nyo ung mga signs nyo para malaman ng tao na may bayad pala mga palikuran nyo. Wag nyo isadlak sa kahihiyan ang mga timang na tao na tulad ko. Pakisabihan nyo rin yung mga nagbabantay at naniningil na wag naman garapalan! Eh kung kano ang umihi dun? Baka masigawan ka pa dahil they won't pay for P10 pesos para lang umihi. Ganun ka-importante sa kanila ang pera. Mahirap kitain ang P10 ngayon.
| "Being SMART is Something, Being STUPID is Nothing" Edit - Delete |
|